^

Metro

Pader na itinayo ng BuCor giniba ng mga residente

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Pader na itinayo ng BuCor giniba ng mga residente
Kaugnay nito, nabatid na nitong Sabado ay iniutos na ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa BuCor na ipatigil ang pagtatayo ng wall blocking.
Miguel de Guzman, file

MANILA, Philippines — Giniba ng mga residente ng Katarungan Village 1 at 2 ang pader na itinayo ng Bureau of Corrections (BuCor) na nagsara sa daanan nila patungo sa bayan, sa Muntinlupa City, kahapon ng madaling araw.

Nabatid na naglagay ang BuCor ng wall blocking sa access points ng mga residente sa Katarungan Village 1 at 2.

Dahil dito, apektado rin ang daanan ng Muntinlupa National High School-Main at  Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa.

Sinabi ni Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi, walang koordinasyon sa kanilang lokal na walang permit at koordinasyon sa pamahalaang lungsod, sa Barangay Poblacion at sa mga residenteng apektado ng pader na nagsara sa kalye.

Idinetalye ni Fresnedi na pinatitigil ang pagtatayo ng pader dahil kahit aplikasyon sa fencing permit ay hindi naman kumuha ang BuCor kaya ilegal ang ginawang harang.

Dahil dito, nagpatawag ng emergency meeting ang alkalde para pag-usapan kung anong legal action ang maaaring gawin.

Kaugnay nito, nabatid na nitong Sabado ay iniutos na ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa BuCor na ipatigil ang pagtatayo ng wall blocking.

Kailangan aniya ng pro­per consultation sa lokal na pamahalaan at sa barangay officials para sa nasabing konstruksyon.

Nilinaw ni Guevarra na maging ang Department of Justice (DOJ) na nakasasakop sa pamunuan ng BuCor ay hindi naabisuhan sa planong pagsasara ng kalye sa Brgy. Poblacion.

Kahapon ng umaga ay nakitang ipinahukay ng BuCor ang kalsada kung saan giniba ang pader na kanilang itinayo.

vuukle comment

BUCOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with