^

Metro

378 milyong jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58, napanalunan ng taga-Oriental Mindoro!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
378 milyong jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58, napanalunan ng taga-Oriental Mindoro!
ahulaan ng masuwerteng mananaya ang six-digit winning combination na 20-17-12-29-10-46 kaya’t naiuwi nito ang katumbas na jackpot prize na ?378,750,791.20.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Instant multi-milyonaryo ang isang lone bettor mula sa Oriental Mindoro nang mapanalunan ang tumatagin­ting na mahigit ?378 milyong jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kamakalawa ng gabi.

Nahulaan ng masuwerteng mananaya ang six-digit winning combination na 20-17-12-29-10-46 kaya’t naiuwi nito ang katumbas na jackpot prize na ?378,750,791.20.

Nabili ng lucky bettor ang kanyang lucky ticket sa Calapan City, Occidental Mindoro.

Inaasahan namang makakakuha rin ang selling agents ng prize commission na 1% ng jackpot prize ngunit hindi lalampas sa ?1 milyon.

Alinsunod naman sa TRAIN law, ang lotto winnings na mahigit sa ?10,000 ay papatawan ng 20% final tax.

Sa sandaling kubrahin na ng winner ang kanyang prem­yo ay bawas na ito ng 20% kaya’t inaasahang mahigit sa ?300 milyon pa rin naman ang salaping maiuuwi nito.

Ang mga premyong hindi makukubra sa loob ng isang taon mula sa petsa ng pagbola dito ay ikukonsidera nang forfeited at mapupunta sa kawanggawa.

Ayon sa PCSO, ito na ang ikaanim na pagkakataon ngayong Nobyembre na mayroong sole bettor na nakapag-uwi ng jackpot prize sa kanilang lotto games.

vuukle comment

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with