^

Metro

Retiradong sundalo, binoga sa ulo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Retiradong sundalo, binoga sa ulo
Isang tama ng bala sa batok ang ikinamatay ng biktimang nakilalang si Wilson Daniel, 57, tubong Malangas, Zamboanga del Sur at residente ng Purok 10, Brgy. Militar, Fort Magsaysay, Palayan City, Nueva Ecija.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang retiradong sundalo nang malapitang barilin ng ‘di kilalang salarin habang nag­hahapunan sa isang kainan sa Brgy. South Triangle, Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Isang tama ng bala sa batok ang ikinamatay ng biktimang nakilalang si Wilson Daniel, 57, tubong Malangas, Zamboanga del Sur at residente ng Purok 10, Brgy. Militar, Fort Magsaysay, Palayan City, Nueva Ecija.

Batay sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD)-Kamuning Police Station 10, nabatid na dakong alas-6:45 ng gabi nang maganap ang krimen sa isang kainan sa kanto ng Sgt. Esguerra at Sct. Madriñan sa Brgy. South Triangle.

Kumakain lamang umano sa lugar ang biktima nang lapitan ng suspek at malapitang barilin sa batok bago mabilis na tumakas.

Sa salaysay naman ng tindera sa lugar, nakarinig na lamang siya ng putok ng baril at nang lingunin ang pinagmulan nito ay nakitang duguan nang nakahandusay ang biktima habang nagtatakbuhan naman ang mga tao sa lugar dahil sa takot na madamay sa krimen.

Kaagad namang inireport ng ilang saksi ang krimen sa mga awtoridad ngunit hindi na nila inabutang buhay ang biktima.

Narekober ng mga awtoridad mula sa dalang bag ng biktima ang isang kalibre .45 na baril at ilang magazine na loaded ng mga bala, kutsilyo, radyo, AFP ID card, lisensiya, passport at ilan pang mahahalagang gamit gaya ng mga legal documents, cellphone, P2,900 cash at susi ng sasakyan.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen at kung sino ang may kagagawan nito para mapanagot sa batas.

vuukle comment

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with