^

Metro

NCR, ‘low risk’ na rin sa COVID-19

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
NCR, �low risk� na rin sa COVID-19
Ayon kay OCTA Research Group member Dr. Guido David sa kanyang Twitter account, ang positivity rate sa NCR ay bumaba pa sa 6% habang ang ave­rage daily attack rate ay nasa 6.36 na lamang o -7 per 100,000 population.
The STAR / Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Nailagay na rin sa ‘low risk classification’ ang National Capital Region (NCR) dahil sa patuloy na pagbaba ng mga naitatalang kaso sa rehiyon.

Ayon kay OCTA Research Group member Dr. Guido David sa kanyang Twitter account, ang positivity rate sa NCR ay bumaba pa sa 6% habang ang ave­rage daily attack rate ay nasa 6.36 na lamang o -7 per 100,000 population.

Ang anunsyo ng OCTA ay isang araw makaraang ihayag naman ng Department of Health (DOH) na nasa ‘low risk classification’ na ang buong Pilipinas.
Labis na bumaba rin ang ‘seven-day average’ sa 901 mula sa 1,405 noong nakaraang linggo.

Bumaba rin ang healthcare utilization sa 35% habang ang intensive care unit occupancy rate ay bumaba na sa 46%.
Tanging ang siyudad ng Mandaluyong, San Juan, at Valenzuela na lamang ang nananatiling nasa moderate risk sa COVID-19 sa rehiyon dahil sa ADAR ng mga ito ay mas mataas pa sa 10.  Ang natitira pang ibang lokal na pamahalaan ay pawang nasa low-risk na rin.

“Classified as low risk are: NCR, Navotas, Malabon, Caloocan, Pateros, Muntinlupa, Las Piñas, Manila, ­Quezon City, Taguig, Marikina, Makati, Pasay, Parañaque, Pasig. Positivity rate in NCR down to just 6%,” ayon pa sa Tweet ni David.

  

vuukle comment

COVID-19

NCR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with