^

Metro

Mga sementeryo sa Metro Manila, handa na sa pagsasara sa Undas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mga sementeryo sa Metro Manila, handa na sa pagsasara sa Undas
Nagsimula nang magdatingan ang mga bumibisita sa Manila North Cemetery bago ito isara mula Oktubre 29-Nobyembre 2 alinsunod sa IATF resolution.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Handa na umano ang lahat ng sementeryo sa Metro Manila para sa pagpapasara sa ikalawang sunod na Undas bilang bahagi pa rin ng pagtitiyak na hindi magiging ‘superspreader event’ ng COVID-19 ang pagtitipon.

Kahapon, nag-inspeksyon si Metropolitan Manila Deve­lopment Authority Chairman Benhur Abalos sa Manila North Cemetery sa Maynila at sa Garden of Life Park sa Mandaluyong para tiyakin ang inilagay na seguridad at mga paghahanda.

“Lahat ng sementeryo sa National Capital Region ay handa na at ang pagdagsa ng tao ay naikalat na sa magkakaibang araw ng pagbisita nila sa mga yumao ng mas maaga,” ayon kay Abalos.

Kabilang sa mga paghahanda ay ang paglalagay ng Police Assistance Desks at mga nag-iikot na grupo sa mga sementeryo para matiyak na nasa 30% lamang ang laman ng mga sementeryo habang hindi pa sumasapit ang Undas.

Sa panig ng MMDA, nagpadala sila ng dagdag na tauhan para tumulong sa mga lokal na pamahalaan at pulisya lalo na sa pagsasaayos ng trapiko.

Pinasalamatan din ni Abalos ang mga alkalde ng Metro Manila sa pagtitiyak nila na sumusunod ang lahat ng mga sementeryo sa panuntunan ng IATF at ang napagkasunduan na pagsasara ng mga ito mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with