^

Metro

AWOL na parak, patay sa pamamaril sa Maynila

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
AWOL na parak, patay sa pamamaril sa Maynila
Sa ulat ng MPD-Homicide Section, dakong ala-1:12 kamakalawa ng hapon nang maganap ang krimen sa parking lot ng isang restoran sa Tejeron St., Sta. Ana kung saan kumain ng tanghalian si Fabro at ang kaniyang pamilya.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang pulis-Maynila na nag-AWOL (Absent Without Leave) sa tungkulin makaraang pagbabarilin ng isang salarin na sakay ng isang  SUV  habang nasa parking lot ng isang restoran sa Sta. Ana, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang nasawi na si P/SSg Gilbert Fabro, 34, ng Brgy.149, Tondo. Hindi naman sinaktan ang kaniyang misis, anak na isang taong gulang at isa pang kasama.

Sa ulat ng MPD-Homicide Section, dakong ala-1:12 kamakalawa ng hapon nang maganap ang krimen sa parking lot ng isang restoran sa Tejeron St., Sta. Ana kung saan kumain ng tanghalian si Fabro at ang kaniyang pamilya.

Kasasakay lamang nila sa kanilang pu­ting Toyota Hi-Ace van nang tumabi ang isang itim na Toyota Fortuner  at saka pinaputukan ng baril ang biktima saka mabilis na tumakas.

Isinugod sa Sta. Ana Hospital si Fabro ngunit hindi na umabot ng buhay. Narekober sa lugar ng krimen ang tatlong basyo ng bala buhat sa isang kalibre .45 baril.

Kasalukuyang kumakalap pa ng mga impormasyon ang MPD upang mabatid ang posibleng motibo sa pamamaslang at sa pagkakakilanlan sa sa­larin.  Kabilang dito ang posibilidad na nakunan ng CCTV camera ang pangyayari.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with