^

Metro

Somalian, Koreano huli sa droga sa loob ng BI jail

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nabuko ang ginagawang pagpupuslit ng iligal na droga ng isang Somalian at Koreano sa loob ng Bureau of Immigration Warden Facility (BIWF) sa Bicutan, Taguig City na ibinebenta naman umano nila sa mga kapwa dayuhang bilanggo.

Dahil dito, ipinag-utos ni BI Commissioner Jaime Morente ang pagsasampa ng dagdag na kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban kina Ali Osman Mohamed, 37, at Nam Sangmin, 42.

Sa ulat ni BIWF Officer-in-Charge Jan Kevin Gomez, napansin ni Jail Officer Jayson Atienza na kahina-hinala ang ikinikilos ni Mohamed na iginiit na ipasa ang isang pakete ng sigarilyo kay Nam. Dahil dito, kinumpiska at isinailalim sa inspeksyon ang pakete at nadiskubre ang isang plastic sachet na may lamang ‘crystal-like substance’.

Ayon kay Gomez, ipinupuslit ang iligal na droga sa pasilidad sa pamamagitan ng pagkain at iba pang supplies na ibinibigay ng mga dalaw ng mga bilanggo.

Nakipagkoordinasyon na ang BIWF sa pulisya upang maimbestigahan ang insidente at malaman kung sino pa ang sangkot sa operasyon ng pagsu-suplay ng iligal na droga sa loob ng bilangguan. 

Kabilang din sa aalamin kung may kasabwat sa BI personnel ang mga sangkot o maluwag  ang ipinapatupad nilang seguridad sa kabila ng mahigpit na inspeksyon kabilang ang paggamit ng K9 sniffing units sa mga ipinapasok na mga pagkain at iba pang gamit para sa mga bilanggo ng mga dalaw.

Nabatid na naaresto si Mohamed noon pang 2019 dahil sa pagiging ‘undesirable alien’ habang naaresto si Nam sa Pampanga noong 2018 dahil sa pagtakas sa batas sa South Korea kung saan may kinakaharap siyang kasong scamming sangkot ang 26 milyong Won.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with