^

Metro

80% ng target population sa NCR, bakunado na - DILG

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
80% ng target population sa NCR, bakunado na - DILG
A health worker looks at the lists during vaccination of minors at the Pasig City General Hospital on Oct. 15, 2021. The hospital is one of the sites for the pilot run of vaccinations for children ages 12 to 17 years old.
The STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Iniulat ni Department of the Interior and Local Go­vernment (DILG) Secretary Eduardo Año na nasa halos 80% na ng target population sa National Capital Region (NCR) at 18% hanggang 30% naman sa mga lalawigan, ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Aminado naman si Año na malayo pa ito sa kanilang target at matatagalan pa bago makamit ng bansa ang herd immunity laban sa COVID-19.

Dahil dito, plano aniya ng pamahalaan na pabilisin pa ang pagbabakuna sa mga lalawigan sa labas ng Metro Manila upang maabot ang target na mabakunahan ang 50% hanggang 70% ng kanilang target population pagsapit ng Pasko.

“Ngayon dito sa Metro Manila nasa 80% na tayo. ‘Yung ibang probinsya outside NCR, nasa 18%, nasa 30% so malayo pa,” ayon pa kay Año.

Kaugnay nito, sinabi rin ng DILG chief na bukas, Biyernes, ay magdaraos sila ng pulong, kasama ang mga regional directors mula sa mga concerned government agencies at mga piling alkalde at go­bernador, upang talakayin ang pagpapaigting pa ng vaccination program sa mga probinsiya.

Aniya, palalawakin pa ng pamahalaan ang vaccination sa Central Luzon, Calabarzon, Central Visayas, at Davao, at ma­ging sa iba pang lugar sa bansa.

Una nang iniulat ng National Task Force Against COVID-19 (NTF) na hanggang noong Oktubre 14, umaabot na sa halos 24 milyong katao o halos 32% ng target population ang fully-vaccinated na sa CO­VID-19.

Sinabi na rin naman ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. nitong Martes na hindi na problema ng bansa ang paghahanap ng suplay ng COVID-19 vaccines.

Sa ngayon aniya ay mayroong mahigit 38 milyong doses ng bakuna sa mga bodega ng pamahalaan na handa nang maiturok sa mga mamamayan upang maprotektahan sila laban sa virus.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with