^

Metro

3 kilo ng marijuana, itinago sa speakers nasabat

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
3 kilo ng marijuana, itinago sa speakers nasabat
Pinosasan ng mga tauhan ng Asuncion PCP ng Tondo Police Station 2 ang suspek na si Judem Aleck Padilla, 27, ng C.M. Recto Avenue, Brgy. 14, Tondo.
Miguel de Guzman, file

MANILA, Philippines — Nasabat ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang nasa tatlong kilo ng marijuana na isingit sa loob ng limang speaker boxes ng isang nasitang lalaki sa Tondo, Maynila kamakalawa ng hapon.

Pinosasan ng mga tauhan ng Asuncion PCP ng Tondo Police Station 2 ang suspek na si Judem Aleck Padilla, 27, ng C.M. Recto Avenue, Brgy. 14, Tondo.

Nabatid na nagpapatrulya ang mga tauhan ng Asuncion PCP nang masita si Padilla na kahina-hinala ang kilos bitbit ang isang malaking kahon dakong alas-2 ng hapon sa may kanto ng Asuncion at Recto Avenue, Tondo.

Nang inspeksiyunin ang dalang karton, nakita ang laman nito na limang Himiso brand speaker. Ngunit nang tingnan ang loob ay doon nakita ang pitong plastic pack na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Tinatayang tumitimbang ang marijuana ng 2.950 kilo na nagkakalaga ng P354,000. Hinihinalang nakatakdang ire-pack ang ilegal na droga at saka ipakakalat sa Maynila ng sindikato na kinaaniban ni Padilla.

Nakaditine ngayon si Padilla sa MPD-Station 2 detention center at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Manila City Prosecutor’s Office.

vuukle comment

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with