^

Metro

Pagbabakuna sa student-athletes, sinimulan na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinimulan na kahapon ng pamahalaan ang pagbabakuna para sa mga student-athletes sa bansa at kabilang sa mga unang nabakunahan ay ilang estudyante na miyembro ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

Nabatid na anim na estudyante ang nakatanggap ng first dose ng Moderna vaccine sa tanggapan ng Commission on Higher Education (CHED) bilang bahagi ng kanilang “Padyak para sa Flexible Learning: Sama-samang Vaccination Program, student-athlete edition”.

Anang CHED, plano ng UAAP na buksan na ang kanilang basketball competition sa kalagitnaan ng Pebrero 2022, habang ang volleyball naman ay target na masimulan matapos ang Mahal na Araw.

Ayon kay UAAP Season 84 president Emmanuel Calanog, hinihintay na lamang nila ang pahintulot ng CHED at iba pang government agencies upang maipagpatuloy ang training.

Sa kanyang panig, sinabi naman ni CHED Chairperson Prospero de Vera na nakikipag-usap na ang pamahalaan sa UAAP at sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) upang i-‘tweak’ ang mga existing guidelines para sa posibleng pagsasanay nang muli ng mga collegiate athletes.

Sinabi ni de Vera na mahalagang mabakunahan muna ang lahat ng student-athletes bago sila tuluyang payagang bumalik muli sa pagsasanay at malaunan ay sa aktuwal na palaro.

Tiniyak din ni de Vera na hindi sila nagsisimula lamang sa scratch dahil simula pa aniya noong 2020 ay pinag­hahandaan na ng komisyon at iba pang concerned organizations ang pagbabalik ng collegiate sports leagues.

vuukle comment

CHED

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with