^

Metro

Tiangge hindi bawal sa IATF - DILG

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Tiangge hindi bawal sa IATF - DILG
People are seen flocking to Divisoria in Manila in this November 2020 photo.
The STAR / Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nilinaw ni Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya na hindi ipinagbabawal ng Inter-Agency Task Force ang pagdaraos ng mga tiangge.

Pero agad ding nilinaw ni Malaya na ang mga nagbabalak mag-organisa ng mga tia­ngge lalo na ngayong nalalapit na Christmas season ay dapat tiyakin na masusunod ang minimum public health standards.

“Pero tama po kayo, wala pong ipinagbabawal ang mga tiangge na iyan, hindi po iyan technically ipinagbabawal under the IATF regulation, but of course kailangan po nating siguruhin ang implementasyon ng minimum public health standards,” ani Malaya.

Sinabi rin ni Malaya na kailangang makipagkoordinasyon sa local government units ang mga nais mag organisa ng mga tiangge dahil kailangan silang i-monitor dahil mayroon pa ring pandemya.

“So, for that, iyon pong mga negosyante natin na gustong magbukas ng mga tiangge, they will have to coordinate with their local government units and iyong mga LGUs po kailangan na mag-monitor sa kanila kung sila ay papayagang mag-operate ngayong Kapaskuhan,” ani Malaya.

Samantala, idinagdag din ni Malaya na sa ngayon ay hindi pa napapag-usapan ang pagpapalawig ng mall hours at ipinapaubaya nila ito sa Department of Trade and Industry.

“Sa ngayon po ay wala pa pong pinag-uusapan sa mga extended mall hours. We will have to defer dito po sa isyung ito sa DTI kasi sila nga po ang gumagawa ng mga pamantayan natin in terms of mall operations,” ani Malaya.

vuukle comment

IATF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with