^

Metro

Presyo ng petrolyo, sumirit pa

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa ika-walong ulit na pagkakataon muling sumirit ang presyo ng produktong petrolyo kahapon.

Ang dagdag na presyong P1.80 sa bawat litro ng gasolina, P1.50 sa diesel at P1.30 naman sa kerosene ay ipatutupad ng major at independent oil companies ngayong Martes.

Pagsapit pa lang ng  alas-12:01 ng umaga ng Oktubre 19, 2021 ay sisimulan na ang paiiraling presyo ng Chevron Philippines habang ang Pilipinas Shell, Petron Corporation at Seaoil ay magsisimula naman alas-6:00 ng umaga.

Ang PTT Philippines, Petro Gazz, Total Philippines, Phoenix Petroleum, Unioil at Eastern Petroleum ay nag-anunsiyo rin na ipatutupad din ang nasabing dagdag presyo sa gasolina at diesel bagama’t wala silang ibinebentang kerosene na sisimulan bandang alas-6:00 din ng umaga.

Ang Clean Fuel naman na ganun din ang paiiraling presyo ay magsisimula alas 4:01 ng hapon.

Sinabi ni PTT Communication Officer Jhay Julian na ang patuloy na pagtaas ay bunga ng  galawan ng presyo sa pandaigdigang merkado.

vuukle comment

OIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with