^

Metro

Lider ng ‘sea robbery group,’ timbog ng PCG, PNP

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Lider ng �sea robbery group,� timbog ng PCG, PNP
Nakilala ang dinakip na si Mark Montilla, alyas Mac-Mac, lider ng ‘Montilla Criminal Group’ at nakatira sa Baseco Compound, sa Port Area, Maynila. Inaresto siya sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Manila Regional Trial Court Branch 44 sa kasong Robbery.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nadakip na ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National Police (PNP) ang lider ng isang robbery group na umaatake sa mga nakadaong ng sasakyang-pandagat sa Manila Bay.

Nakilala ang dinakip na si Mark Montilla, alyas Mac-Mac, lider ng ‘Montilla Criminal Group’ at nakatira sa Baseco Compound, sa Port Area, Maynila.  Inaresto siya sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Manila Regional Trial Court Branch 44 sa kasong Robbery.

Ayon sa PCG, sangkot ang ‘Montilla Group’ sa pagnanakaw sa mga sasakyang-pandagat na nakadaong sa Manila Bay. Sa masusing imbestigasyon, natukoy ng mga awtoridad na pinamumunuan ni Montilla ang naturang grupo. 

Sa naturang pagsalakay sa kuta ni Montilla sa Baseco Compound, nadiskubre ang mga hinihinalang nakaw na gamit tulad ng welding machines at mga lubid.  Ang ibang mga ninakaw naman ay nasa posesyon naman ng mga kasabwat na nakilala sa alyas na Randy at Ruel.

Patuloy ang follow-up operation ng PCG at PNP para madakip ang iba pang miyembro ng naturang grupo.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with