^

Metro

DILG sa LGUs: Voter’s ID hindi kinakailangan sa bakuna

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
DILG sa LGUs: Voter�s ID hindi kinakailangan sa bakuna
Ang pahayag ng DILG ay inisyu makaraan makatanggap ng ulat mula sa mga mamamayan na may mga LGUs na nag­hahanap o ipinapa-presenta ang Voter’s ID bago makakuha ng mga serbisyo mula sa pamahalaan.
AFP / Dibyangshu Sarkar, file

MANILA, Philippines — Muling nagpaalala kahapon ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga local government units (LGUs) na ang Voter’s Identification (ID) card ay hindi kinakailangan upang makakuha na mga pangunahing serbisyo ang mga mamamayan, gaya ng mga serbisyong medikal at financial assistance, at hindi rin ito kailangan sa pagpaparehistro para sa pagbabakuna.

Ang pahayag ng DILG ay inisyu makaraan makatanggap ng ulat mula sa mga mamamayan na may mga LGUs na nag­hahanap o ipinapa-presenta ang Voter’s ID bago makakuha ng mga serbisyo mula sa pamahalaan.

“Inuulit po namin----hindi po dapat hinahanapan ng Voter’s ID ang ating mga kababayan para makakuha at mapakinabangan ang serbisyo at paglilingkod mula sa mga pamahalaang lokal. Ito ay hindi kailangan at hindi gagawing requirement ng pamahalaan o ng DILG,” ayon pa kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya.

Sinabi ni Malaya sa mga LGUs na hindi dapat hanapan ng Voter’s ID bilang pangunahing pagkakakilanlan ang mga mamamayan upang mabakunahan o maka-access at makatanggap  ng mga programa at serbisyo ng LGUs na para sa benepisyo ng mga tao.

Aniya, bukod sa voter’s ID, marami pang mga go­vernment ID ang maaaring ipakita ng mga mamamayan bilang patunay na sila ay residente ng naturang LGU.

Ani Malaya, kadalasan kapag may transaksyon na ang benipisyaryo ay hinihingan ng proof of identity, sila ay binibigyan ng pagkakataon na magpakita ng mga ID, katulad ng Philippine Passport, employment ID, at PhilHealth ID, at iba pa, depende sa pangangalaingan.

“Kung wala talagang maipakita ang tao ay matutulungan siya ng barangay na kumuha ng Barangay Certificate,” aniya pa.

Patuloy rin namang pinaalalahanan ng DILG ang mga LGUs na itigil na ang pamumulitika sa mga pa­ngunahing serbisyo na para sa mga mamamayan, lalong-lalo na  ngayong malapit na ang paghahain ng kandidatura, gayundin dapat itigil ang paghahanap ng voter’s ID “para lang makatanggap ng serbisyo na para naman talaga sa publiko.”

 

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with