^

Punto Mo

Bakuna na para sa lahat!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Aprubado na kay Pangulong Digong ang pagbabakuna sa general public sa buong panig ng bansa simula sa buwan ng Oktubre.

At siyempre ang maganda rito, kasama rito ang mga menor-de-edad na matagal na ngang iginigiit ng marami na mabakunahan.

Marami ng supply at may paparating pang bakuna na makakasapat sa general public kabilang ang mga bagets.

Nasa 100 milyong bakuna pala ang inaasahan na darating sa bansa sa katapusan ng Oktubre para mabakunahan ang general population para maabot ang population protection.

Katunayan maraming lungsod na sa Metro Manila, isama pa ang nasa ilang siyudad sa labas ng rehiyon ang mahigit na sa 50 porsiyento ng  kanilang target population ang naturukan na ng bakuna.

Sa pagdating ng maraming  bakuna kaya naman iniengganyo ng pamahalaan ang hindi pa nagpapabakuna na magpaturok na.

Iba na rin siyempre ang may proteksyon kahit ano pang brand yan.

Ang mga magulang hinihikayat na rin ng pamahalaan na ipalista na ang kanilang mga anak para mas madali na kapag nagsimula na ang bakunahan.

Dahil din naman dito, kaya may babala si Pangulong Digong sa ayaw na magpabakuna .

Gagamitin umano sa kanila  ang police power, hindi pa nga lang malinaw kung paano ito ipapatupad.

Sa mga empleyado naman sa gobyerno na tumatanggi rin sa bakuna, bilin ni Digong dapat na umalis ang mga ito sa serbisyo dahil daw nagbibigay sila ng panganib sa publiko.

Pero mukhang malabo ang ganitong sapilitang pagbabakuna, dahil ang Palasyo mismo ang umanin na nangangailan ng batas galing sa Kongreso para maipatupad ang mandatory na bakuna.

Anu’t-anuman, ang good news dito ay lahat ng Pinoy ay pwede nang mabakunahan at wala na ang priority list katulad ng dati.

Kung mapapabilis pa ang pagbabakuna baka nga maagang maabot ang herd immunity na daan para naman makabalik na tayo sa normal kahit unti-unti lang.

 

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with