^

Metro

Duterte iniutos imbestigahan ang Bree Jonson case

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Duterte iniutos imbestigahan ang Bree Jonson case
Breana “Bree” Jonson.
STAR/File

MANILA, Philippines — Maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay nais malaman kung ano ang nangyari sa kontrobersiyal na pagkasawi ng Pinay artist na si Breana “Bree” Jonson.

Sa online press briefing kinumpirma ni presidential spokesperson Harry Roque na alam ng Pangulo ang kaso ng pagkamatay ng 30-taong gulang na si Jonson.

Sinabi ni Roque na pinatitiyak din ni Duterte na mabibigyan ng hustisya ang biktima.

 “Yes and he has instructed the criminal justice system of the country to accord the victim justice,” ani Roque.

Pero dapat aniyang malaman kung ano talaga ang nangyari kaya masusi itong pinaiimbestigahan.

“Pero kinakailangan po, hayaan nating (malaman) kung ano talaga ang nangyari,” ano Roque.

 Matatandaan na natagpuan ang walang malay na si Jonson sa loob ng  isang hostel room sa San Juan, La Union kung saan nakasama niya si Julian Roberto Ongpin noong Setyembre 18.

 Dinala si Jonson sa ospital pero idineklarang patay na.

Si Ongpin ay anak ng negosyante at dating trade minister Roberto Ongpin.

Iniutos ng mga prosecutors na siya ay pakawalan.

Base sa inisyal na imbestigasyon nag-suicide umano si Jonson. Napaulat din na may nakitang 12.6 gramo ng cocaine sa kuwartong tinuluyan nina Jonson at Ongpin.

 

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with