Hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila, bahagyang tumaas - OCTA
MANILA, Philippines — Bahagyang tumaas ang hawaan ng COVID-19 sa National Capital Region sa nagdaang araw ng Linggo.
Ayon sa OCTA research Group, nakapagtala ng reproduction number noong Linggo ng 0.98 mula sa 0.94 reproduction number noong araw ng Sabado.
Ayon kay Dr. Guido David, noong Linggo ay nakapagtala ng bagong kaso ng 5,653 sa Metro Manila na pinaniniwalaang posibleng dulot ng backlogs.
“The reproduction number of 0.98 was within the error range of previous days,” dagdag ni Guido.
Kaugnay nito, iniulat din ni Guido na umaabot naman sa 0.98 ang reproduction number sa buong bansa noong nagdaang Sabado at may growth rate na -13%.
Ang Metro Manila ay nasa ilalim ng Alert Level 4 hanggang Sept. 30 dahil sa mataas pang kaso ng COVID. Sa Oktober 1 malalaman kung mananatili ito sa level 4 o bahagya na itong ibaba sa Alert Level 3.
- Latest