^

Metro

3 senior, 1 pa arestado sa buy-bust

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
3 senior, 1 pa arestado sa buy-bust
Ayon kay QCPD director B/Gen. Antonio Yarra, ang mga suspek ay nakilalang sina Armando Enriquez, 60; Larry Maesa, 63; Valiant Rallos, 62, at Agnes Omorog, 46.
STAR / KJ Rosales, file

MANILA, Philippines — Apat na katao na kinabibilangan ng tatlong senior citizen, ang naaresto ng mga tauhan ng Batasan Police Station (PS 6) at District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Quezon City Police District (QCPD) sa isang buy-bust operation sa Brgy. Baesa, Quezon City, kamakalawa ng hapon.

Ayon kay QCPD director B/Gen. Antonio Yarra, ang mga suspek ay nakilalang sina Armando Enriquez, 60; Larry Maesa, 63; Valiant Rallos, 62, at Agnes Omorog, 46.

Batay sa ulat ng QCPD, bago ang pag-aresto ay nakatanggap ng tip ang mga ope­ratiba ng PS 6 hinggil sa illegal drug activities ng mga suspek. Kaagad namang nagkasa ng buy-bust ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng PS 6 sa pangunguna ni PLT Apolinario Aguinaldo at DDEU sa pamumuno ni PLT Elmerson Maceda, dakong alas- 5:45 ng hapon sa 24-B Baesa Road, Brgy. Baesa, Quezon City.

Isang pulis ang umaktong poseur buyer at nang makabili ng P500 halaga ng shabu ay kaagad nang inaresto ang mga suspek.

Nakumpiska mula sa kanila ang may 52.59 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P357,612, digital weighing scale, at buy-bust money.

Ang mga suspek ay nakapiit na at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

vuukle comment

BUY-BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with