^

Metro

Banko nilooban ng nag-iisang holdaper

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nilooban ng nag-iisang holdaper ang isang banko sa Pandacan, Maynila na matagumpay na nakatakas sakay ng isang motorsiklo nitong kahapon ng hapon.

Sa inisyal na ulat, dakong ala-1:56 ng hapon nang holdapin ng nag-iisang suspek ang Chinabank-Otis Branch. Agad na tumakas umano ang salarin lulan ng isang itim na Nmax type scooter patungo sa direksyon ng Nagtahan bridge.

Sinabi ni Manila Police District Director, PBGen Leo Francisco, wala namang nasaktan sa mga tauhan ng banko.  Hindi naman siya makapagbigay ng ibang impormasyon dahil sa nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga tauhan ng Pandacan Police Station 10 habang isinusulat ang balitang ito.

“Wala pang dinidisclose kung magkano ang nakuha. Sa physical na report ng imbestigador, Ok naman ang bank employees. Sa pakikipag-usap sa bank manager, wala namang nababanggit na may nangyaring ibang insidente sa loob,” ayon kay Francisco.

Ipinag-utos din umano niya na magkasa agad ng ‘dragnet operation’ ang iba’t ibang istasyon ng MPD sa pag-asang masasabat pa ang salarin.

 

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with