^

Metro

Youth organization suportado ang kandidatura ni Isko Moreno

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng suporta ang Kabataang may Magagawa Youth Organization sa kandidatura ni Manila Mayor Isko Moreno para sa 2022 presidential election.

Ayon kay Vincent Calooy,  president founder ng kabataang may Magagawa, nakipagsanib puwersa ang kanilang hanay sa Pinoy ako, Isko Tayo Movement para lalo pang lumakas ang grupo.

Ayon kay Calooy limang taon na ang kanilang grupo at apolitical.

Pero ngayon, susuportahan nila ang kandidatura ni Mayor Isko.

Ang pagiging masipag at maka-Diyos ni Mayor Isko ang naging basehan para ibotong pangulo ng bansa.

Kailangan umano ngayon ng Pilipinas ng isang batang lider na mag-aalok ng mga makabagong ideya para sa uri ng pamumuno.

Sa panig ni Mik Rivera, lead convenor ng Pinoy ako, Isko Tayo Movement, mara­ming grupo na ang nagpaha­yag na makipagsanib pwersa sa kanilang hanay.

May galing aniya ng Zambales, Bataan, Bulacan, Cagayan de Oro at iba pang bahagi ng bansa

Kung mabibigyan aniya ng pagkakataon si Mayor Isko na maging Pangulo ng bansa, tiyak na maganda ang kinabukasan at may pag -asa ang mga kabataan.

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with