^

Metro

Buy-bust sa tapat ng BI: Drug suspect huli sa P3.4 milyong shabu

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Buy-bust sa tapat ng BI: Drug suspect huli sa P3.4 milyong shabu
Ang naarestong suspek ay nakilala lang na si Musa Nasrudin Baguilan, na kasalukuyan nang nakapiit at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
STAR/File

MANILA, Philippines — Naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang drug suspect sa isang buy-bust ­operation na ikinasa sa tapat mismo ng tanggapan ng Bureau of Immigration (BI) sa Intramuros, Maynila kahapon ng tanghali.

Ang naarestong suspek ay nakilala lang na si Musa Nasrudin Baguilan, na kasalukuyan nang nakapiit at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Batay sa sketchy report ng PDEA, dakong alas-11:45 ng tanghali nang maaresto ng mga tauhan ng PDEA RO IV-A (RSET) ang suspek sa harapan mismo ng tanggapan ng BI, na matatagpuan sa Magallanes Drive, sa Intramuros.

Nauna rito, nakatanggap ng tip ang mga awtoridad hinggil sa ilegal na aktibidad ng suspek kaya’t kaagad na nagkasa ng buy-bust operation, na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

Nakumpiska ng mga ­awtoridad mula kay Baguilan ang humigit-kumulang sa 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3,400,000.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with