^

Metro

MPD cop na nanakot sa curfew violators na kabataan dinis-armahan, kinasuhan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
MPD cop na nanakot sa curfew violators na kabataan dinis-armahan, kinasuhan
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Eleazar si P/ Corporal Medel Biloan, nakatalaga sa Intelligence Section ng MPD Station 2 ay dinisarmahan na at isinailalim sa kustodya ng MPD habang isinasailalim sa masusing imbestigasyon ang kasong ito.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Ipinag-utos na kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Guillermo Eleazar ang pagsasampa sa kasong administratibo at kriminal laban sa isang mi­yembro ng Manila Police District (MPD) na nasangkot sa pananakot sa mga tinedyer na lumabag sa curfew sa lungsod ng Maynila noong Biyernes.

Ayon kay Eleazar si P/ Corporal Medel Biloan, nakatalaga sa Intelligence Section ng MPD Station 2 ay dinisarmahan na at isinailalim sa kustodya ng MPD habang isinasailalim sa masusing imbestigasyon ang kasong ito.

“Nakarating sa aking kaalaman ang reklamo laban sa isang pulis na si  Corporal  Biloan na inaakusahang nagbunot ng baril upang piliting sumunod ang ilang kabataan na lumalabag sa curfew sa kanilang lugar sa Maynila,” ayon kay Eleazar.

Si Biloan ay inaresto ng kaniyang mga kasamahang parak matapos itong makunan ng video sa CCTV na nagbunot ng baril at tinatakot ang mga kabataang lumabag sa curfew noong Biyernes ng madaling araw.

Samantalang sa isa pang CCTV footage ay isa namang pulis  na nakasuot ng sibilyan ang nakitang umiinom ng alak sa labas ng kanilang tahanan na natukoy na si Biloan din.

Ayon kay Eleazar bagaman maganda ang intensiyon ni Biloan na ipatupad ang curfew sa kanilang komunidad ay mali ang pamamaraan nito na takutin sa pamamagitan ng baril ang mga pasaway na kabataan.

“The fact that he himself was violating the protocol when he was caught drinking and not wearing face mask along the street was not only a violation of the quarantine rules and police protocols but also put the entire police organization in bad light”, ayon kay Eleazar.

Binigyang diin pa ng PNP Chief na bilang mga law enforcers ay dapat na maging role models ang mga pulis.

“Mahigpit ang ipinapatupad kong pagdidisiplina sa aming hanay kaya nakikiusap din tayo sa ating mga kababayan na sumunod at igalang ang mga patakaran na ipinapatupad para sa kaligtasan sa gitna ng pandemya at maayos na pangaralan ang kanilang mga anak tungkol dito,” ang sabi pa ni Eleazar.

vuukle comment

MPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with