^

Metro

Quezon City hospitals punuan pa rin sa mga pasyenteng may COVID-19

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Quezon City hospitals punuan pa rin sa mga pasyenteng may COVID-19
Ito ang pahayag ni Dr. Rolly Cruz, head ng QC Epidemiology and Surveilance Unit ng QC health Department, punuan pa rin ang mga ICU bed, emergency bed at ward bed sa tatlong pagamutan na pinangangasiwaan ng lungsod.
AFP / File

MANILA, Philippines — Overcrowded pa rin na maituturing sa mga pasyente na may COVID ang lahat ng mga government hospitals na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Quezon City government.

Ito ang pahayag ni  Dr. Rolly Cruz, head ng QC Epidemiology and Surveilance Unit ng QC health Department,  punuan pa rin ang mga ICU bed, emergency bed at ward bed sa tatlong pagamutan na pinangangasiwaan ng lungsod.

Anya ang Dr. Rosario Maclang Bautista General Hospital ay 139% occupied ang lahat ng kama, habang nasa 98% ang okupado sa QC General Hospital at 160.40% naman ang Novaliches District Hospital.

Gayunman, sinabi ni Dr Cruz na  unti-unti namang nababawasan ito kung ikukumpara sa mga nakaraang linggo.

Samantala, bumaba na rin sa 51.01% ang Occupancy Rate ng mga Community Caring Facilities ng QC.

Sa labing-dalawang caring facilities ng lungsod, tanging ang HOPE 2 at HOPE 4 na lamang ang may mataas na kaso ng covid-19.

Samantala, nagkaloob ng ayuda ang ilang pribadong sektor sa lokal na pamahalaan ng Quezon City para tulungan sa paglaban sa COVID-19 ang mga ospital na pinangangasiwaan ng  lungsod na nasa  critical level pa rin  dahil sa rami ng  mga pasyenteng tinamaan ng virus.

Kabilang sa nagbahagi ng  tulong ang QC Association of Filipino-Chinese Businessman Inc. na nagbigay ng oxygen tanks at regulator para sa lungsod.

Sa pulong naman ng Quezon City government at mga kinatawan ng Reckitt Benckiser Group, nangako ang kompanya na  makikipagtulungan sa lokal na pamahalaan upang mas mapaigting ang kalinisan at kaayusan sa mga vaccination sites at ospital.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with