^

Metro

Manager, sinaksak ng kliyenteng hinatakan ng motorsiklo, patay!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang ­manager ng tindahan ng mga motorsiklo, nang pagsasaksakin ng kanilang kliyente na una umanong hinatakan ng hinuhulugan nitong motorsiklo matapos na hindi makapagbayad ng monthly bills ng mahigit dalawang taon sa Quezon City, ka­makalawa ng hapon.

Dead-on-arrival sa pagamutan ang biktimang nakilalang si Alex Gubot Palcon, 34, may asawa, OIC ma­nager ng RUSI Tandang Sora branch at naninirahan sa  5743 CDNAI St., SVF Camarin, Brgy. 178, Caloocan City.

Samantala, kaagad namang naaresto ang suspek na si Juriel Segador Floro, 35, walang asawa, mananahi, at residente sa 249 Tandang Sora Ave., Green Village, Brgy. Tandang Sora, Quezon City.

Batay sa ulat ng Criminal Investifation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), nabatid na dakong alas-3:30 ng hapon nang maganap ang krimen sa Tandang Sora Ave., sa Brgy. Tandang Sora.

Lumilitaw sa imbestigasyon ni PCpl. Andrea Lait, ng Talipapa Police Station (PS-3) ng QCPD, na dahil simula Mayo 2019 ay hindi na nakakapaghulog ng kanyang monthly bills ay binawi ng RUSI management ang motorsiklong hinuhulugan ng suspek.

Nang makita naman umano ng suspek ang biktima na lumabas ng kanilang tanggapan upang bumili ng kape ay kaagad na niya itong inatake at pinagsasaksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Naisugod pa sa Metro North Medical Center and Hospital ang biktima ngunit patay na ito habang nadakip naman ng mga rumespondeng pulis ang suspek sa crime scene.

vuukle comment

OIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with