Pinas nasa ‘downward trend’ na ng COVID-19 -- OCTA
MANILA, Philippines — Nasa ‘downward trend’ na ang Pilipinas sa kaso ng COVID-19 kahit na mabagal ang pagbaba ng bilang ng kaso sa bansa.
Ayon kay Dr. Guido David, ng OCTA Research Group, ang reproduction number ng COVID-19 sa bansa ay nasa 1.04 na ngayon kung saan malapit na nitong makamit ang ideal reproduction number na mababa sa 1.
Sa Metro Manila naman ay umabot na sa 0.97 ang reproduction number mula sa 0.99 nitong nagdaang huwebes.
Umaasa si David na higit pang magkaroon ng pagbaba sa bilang ng hawaan ng COVID-19 sa bansa lalo na sa Metro Manila dulot na rin ng patuloy na vaccination program na isinasagawa sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
- Latest