Student health profiling sa edad 12-17, sinimulan na sa Valenzuela
Paghahanda sa pagbabakuna
MANILA, Philippines — Bilang paghahanda sa napipintong pagba-bakuna sa mga kabataang nasa edad 12-17 laban sa COVID 19, ipinag-utos ni Valenzuela City Mayor Rex Gatcha-lian na simulan na ang Student Health Profiling.
Paliwanag ni Gatchalian, kung ang estudyante ay nag-aaral sa public school sa lungsod, maaaring makipag-ugnayan sa class adviser o school principal para sa Student Health Profile information sheet na maaaring makuha o i-fill-out sa pamamagitan ng Google Form.
Kung nasa private school naman sa lungsod, ang Pamahalaang Lungsod ay makikipag-ugnayan sa mga private school heads, at maki-pag-ugnayan lamang sa kanila o sa class adviser ng anak para makakuha ng Student Health Profile information sheet.
Para naman sa mga estudyanteng Valenzuelano na nag-aaral sa public o private schools sa labas ng Valenzuela, dapat nilang abangan ang ilalabas na URL/website link para sa online submission ng Student Health Profile.
Ipinaalala ng Pamahalaang Lungsod na tanging mga magulang/ authorized guardian lamang ang maaaring kumuha at/o mag-fill out ng Student Health Profile information sheet; italaga ang mga tamang impormasyon ng anak at; ipasa muli ang information sheet sa guro ng anak.
Ang pagbabakuna sa mga menor-de-edad sa Valenzuela ay bukas para sa mga estudyanteng nasa Grades 6 to 12 o nasa edad 12-17 taong gulang.
- Latest