^

Metro

Pagbabakuna sa lahat ng nasa closed at long-term care facilities, inutos ni Mayor Joy

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Pagbabakuna sa lahat ng nasa closed at long-term care facilities, inutos ni Mayor Joy
Ang hakbang ay ginawa ni Mayor Belmonte nang iulat ni Dr. Rolando Cruz, hepe ng City Epi­de­mio­logy and Disease Surveillance Unit (QCESU) na sa 13 closed facilities na na-survey, mayroon itong 1,027 empleyado at mga kliyente kung saan 594 dito ay hindi pa nababakunahan ng first dose.
AFP/Robyn Beck

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Quezon City Ma-yor Joy Belmonte sa City Health Department (CHD)  na bakunahan ang lahat ng indibiduwal na naninirahan at nagtatrabaho sa mga closed at long-term care facilities sa lungsod katulad ng ampunan,  home care facilities, apostolate centers at rehabilitation centers.

Ang hakbang ay ginawa ni Mayor Belmonte nang iulat ni Dr.  Rolando Cruz, hepe ng City Epi­de­mio­logy and Disease Surveillance Unit (QCESU) na sa 13 closed facilities na na-survey, mayroon itong 1,027 empleyado at mga kliyente kung saan 594 dito ay hindi pa nababakunahan ng first dose.

Sinabi ni Cruz na patuloy ang ugnayan niya sa naturang mga pa­silidad para agad maisagawa ang pagbabakuna rito.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Mayor Belmonte ang patuloy na pagkakaloob ng ayuda ng lokal na pamahalaan sa lahat ng closed at long term facilities na naka-lockdown     para makontrol ang infection at hawaan ng virus sa pasilidad.

Nagpaabot din ng pakikiramay si Mayor Belmonte sa mga naulila ng mga madre sa RVM facility  na namatay dahil sa COVID-19.

Inatasan din ni Belmonte ang Department of the Building Official, Department of the City Architect, at City Engineering De­partment na magpa­labas ng guidelines para makaiwas ang ganitong mga pasilidad at magkaroon ng maayos ng bentilasyon para sa kalusugan ng mga nakatira doon.

Anya sa pamama­gitan ng hakbang ay maaayos ang mga gusali at maiiwasan ang paglaganap ng anumang sakit lalo na ng COVID.

vuukle comment

CHD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with