^

Metro

NBI nagsagawa ng sariling awtopsiya sa labi ng pintor na si Bree Johnson

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagsagawa na ng sariling awtopsiya ang National Bureau of Investigation (NBI) sa labi ng pintor na si Bree Johnson na na­tagpu­ang patay sa isang kuwarto sa La Union noong nakaraang Sabado.

Sinabi ni NBI spokesperson Ferdinand Lavin na isina­gawa ang awtopsiya nitong Huwebes ng madaling araw. Kumu­ha sila ng specimen buhat sa labi na isasailalim nila sa laboratory exa­mination.

Nagtungo na rin sa La Union ang kanilang forensic team. Bukod dito, nakikipag-ugnayan din sila sa Philippine National Police (PNP) para ibahagi sa kanila ang mga piraso ng ebidensya na nakalap sa lugar ng krimen.

“Crime Scene Inves-tigation Team (Forensics) motored to La Union this morning to process the crime scene thereat,” ayon kay Lavin.

Kinumpirma ito ni Department of Justice Secretary Menardo Guevarra na nagsabing ang panibagong awtopsiya ay dahil sa kahilingan ng pamilya ni Johnson.

Nangako ang kalihim na maingat nilang susuriin ang resulta ng awtopsiya at mga ebidensya upang ma­kalikha ng tamang kon­klusyon sa naganap na pagkamatay ni Johnson.

vuukle comment

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with