^

Metro

Manila Vice Mayor Lacuna, sasabak sa pagka-alkalde

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Manila Vice Mayor Lacuna, sasabak sa pagka-alkalde
Kinumpirma ng Manila Public Information Office ang kandidatura ni Vice Mayor Honey Lacuna katambal naman si 3rd District Rep. Yul Servo, isa ring dating artista katulad ni Manila Mayor Isko Moreno.
Edd Gumban

Nagdeklara na!

Kasabay sa pormal na pagdedeklara ni Manila Mayor Isko Moreno ng kanyang kandidatura para tumakbong-presidente sa halalan  sa susunod na taon, nagdeklara na rin ng  kanyang kandidatura sa pagka-alkalde ng Maynila si Vice Mayor Honey Lacuna.

Kinumpirma ng Manila Public Information Office ang kandidatura ni Lacuna katambal naman si 3rd District Rep. Yul Servo, isa ring dating artista katulad ni Moreno.

“If Lacuna wins, she will be the first female Mayor of the Philippine capital city,” ayon kay Manila PIO chief Julius Leonen.

Anak si Honey ni dating Manila Vice Mayor Danny Lacuna.  Bago pumasok sa politika, nagsilbi muna siyang doktor ng Manila Health Department mula 1995-2004 bago naging konsehal at maging Vice-Mayor noong 2016.

Ngayong pandemya, naging kritikal ang papel ni Lacuna lalo na sa pagbibigay ng payo kay Moreno ukol sa mga polisiya sa paglaban sa COVID-19 at pagiging tulay sa mga healthcare workers sa siyudad.

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with