P2.5 milyong nasamsam sa drug-bust
MANILA, Philippines — Tinatayang mahigit sa P2.5 milyon ang halaga ng ilegal na droga ang nasamsam sa isinagawang buy-bust operation ng Parañaque Drug Enforcement Unit at pagkakadakip sa isang suspect.
Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director Police Brig. General Jimili Macaraeg ang suspek na si Joey Sotto De Leon, residente ng Pasay City.
Sa ulat ng Parañaque Police Station, dakong alas - 4:15 ng hapon nang isagawa ng buy-bust operation sa harapan ng Original Sea Food Building, Market Roxas Blvd. Service Road North Bound, Brgy. Baclaran, Parañaque City.
Nasa kabuuang 379 gramo ng shabu na may street value na nagkakahalaga ng ? 2.5 milyon ang nasamsam.
Inihahanda na ang kaso laban sa nadakip na suspect.
- Latest