^

Metro

Walang toll increase habang may pandemya- Sec. Tugade

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa mga motorista at iba pang gumagamit ng expressways sa bansa na wala silang dapat na ipag-alala dahil walang toll fee increase na ipatutupad ngayong may pandemic pa ng COVID-19.

Ang pagtiyak ay ginawa ni Tugade matapos na lagdaan ang Supplemental Toll Operations Agreement (STOA) para sa Pasig River Expressway (PAREX) sa pagitan ng DOTr at ng San Miguel Corporation.

Sinabi ni Tugade na bagama’t nauunawaan niya ang panawagan ng mga tollway operators para sa pagtataas ng toll rates upang malikom ang kinakailangang pondo para masustentuhan ang kanilang operasyon, dapat din naman aniyang protektahan ng DOTr, sa pamamagitan ng Toll Regulatory Board (TRB), ang interes ng publiko, ngayong apektado pa ng pandemya ang ekonomiya.

“We need to strike a good balance. ‘Yung pangangailangan ng mga investors, ‘yung mga kakayanan ng publiko. Kailangan ‘ho ibalanse ‘yan,” dagdag pa niya.

Dagdag pa niya, maaari ring aprubahan ng DOTr ang toll rate hikes, ngunit matagal pa aniya bago ito maipatupad.

Nauna rito, nilagdaan nina Tugade, San Miguel President at COO Ramon Ang, TRB Executive Director Alvin Carullo, Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Cathy Cabral, at Philippine National Construction Corporation (PNCC) Assistant Vice President for Legal Affairs Henry Salazar ang STOA para sa PAREX.

Ang PAREX ay isang 19.4-kilometro na 6-lane elevated expressway, na itatayo sa pampang ng Pasig River, at siyang magkokonekta sa Radial Road-10 sa Manila, EDSA, at C5.

Inaasahang makatutulong din ito para mapaluwag ang traffic volume sa Rizal, Cainta, at Marikina at makapagbibigay pa ng mas mabilis at alternatibong access sa Makati, Ortigas, at Bonifacio Global City.

vuukle comment

DOTR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with