^

Metro

3,000 pamilya apektado ng ‘granular lockdown’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
3,000 pamilya apektado ng �granular lockdown�
A granular lockdown has been enforced in Barangay 123 in Caloocan City starting Friday(September 17, 2021) night due to a surge in COVID-19 cases in the area.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Nasa  3,093 pamilya ang apektado ng ipinatutupad na ‘granular lockdowns’ sa iba’t -ibang bahagi ng Metro Manila, ayon kay Metropolitan Manila Development Autho­rity chairman Benhur Abalos.

“Ang ginawa po natin sa granular lockdowns ay talagang hinimay-himay po natin iyon lamang talagang nagkakaimpeksyon na lugar,” pahayag pa ni Abalos.

Kasama sa mga isinailalim sa lockdowns ay siyam na mga kalsada, tatlong gusali, 101 condominium units, at 48 compounds. Wala namang isang buong barangay ang isinailalim sa lockdown.

Pangunahing problemang kinakaharap ng mga lokal na pamahalaan na nagpapatupad ng lockdown ay ang pagiging sapat ng ‘food packs’ na ibi­nibigay sa bawat pamilya.

Matatandaan na hindi na ibinigay ang opsyon na tulong pinansyal ang ibigay sa mga pamilya at tanging mga food packs na lamang upang hindi na sila lumabas pa ng tinutuluyan para mamili ng kanilang pangangailangan.

Nakatakdang magtapos naman ang Alert level 4 sa Metro Manila sa Setyembre 30 kung kailan inaasahan na posibleng mapalawig ito o kaya naman ay palitan ng ibang uri ng alert level.

vuukle comment

BENHUR ABALOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with