^

Metro

COVID-19 case sa Metro Manila posibleng bumaba sa 2K kada araw sa Oktubre - OCTA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
COVID-19 case sa Metro Manila posibleng bumaba sa 2K kada araw sa Oktubre - OCTA
Non-San Juan residents receive their first dose of COVID-19 vaccine at the Theater Mall in San Juan City on Sept. 14, 2021.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Posibleng bumaba na lamang sa 2,000 ang arawang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila sa susunod na buwan ng Oktubre.

Ito ayon sa OCTA Research Group ay bunga na rin ng trend sa pagbaba ng kaso ng virus sa NCR. 

Ayon sa grupo, bagama’t maikokonsederang nasa high risk pa rin ang Kalakhang Maynila pero patuloy naman ang pagbaba ng arawang kaso  ng virus sa rehiyon.

Tinataya rin ng grupo na hanggang sa katapusan ng Setyembre ay mariing umabot na lamang sa 4,000 ang arawang kaso COVID case sa MM. 

Sa latest monitoring ng grupo, bumaba sa 5,136 ang average na arawang COVID-19 cases sa rehiyon noong  Setyembre 14 hanggang 19 na nagpapakita na mas mababa ito ng 13 percent sa  arawang kaso ng Covid-19 na  5,916  noong Setyembre 6 hanggang  September 12 .

Bumaba rin ang reproduction number sa NCR  na pumalo sa 1.14 mula sa 1.37 noong nagdaang linggo at nagkaroon din ng pagbaba ng may 23 percent mula sa 25 percent ang 7 day positivity rate sa NCR.

Muling nilinaw ng  OCTA na naabot na ang peak ng COVID-19 sa Metro Manila dahil nagkakaroon na umano ngayon ng indikasyon nang pagbaba ng kaso sa virus.

 “While the changes in the reproduction number and growth rate indicate an improving trend, it must be emphasized that the surge in the NCR is still at a very high level, as indicated by an incidence rate (ADAR) of 36.77 per 100,000 per day” ayon sa OCTA.

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with