^

Metro

3 programa ng Quezon City, finalist sa ‘Galing Pook Awards 2021’

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
3 programa ng Quezon City, finalist sa �Galing Pook Awards 2021�
Si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa pinaigting na Grow QC: Kasama ka sa Pag-unlad sa Pagkain, Kabuhayan at Kalusugan Food Security Program na nailunsad sa kasagsagan ng pandemic noong April 2020. Isa ito sa tatlong programa ng lungsod na finalist sa ‘Galing Pook Awards 2021’.
File

MANILA, Philippines — Tatlong mga programa ng Quezon City Government  ang napili bilang fina­lists para sa ‘Galing Pook Awards’ ngayong taon.

Ang patimpalak ay isang natatanging awards program  na kumikilala sa mahusay na pagkakaloob ng serbisyo ng isang lokal na pamahalaan sa kanyang komunidad.

Ngayong taon ang tema ng programa ay  “GobyerNEW: Magagaling na Programa mula sa Magagaling na Pook”, ay sumesentro sa programa ng mga local government units (LGUS) na may mahusay na adaptiveness, innovation, resiliency, at excellence sa pangangalaga sa lokalidad laluna ngayong panahon ng pandemic.

 Isa sa pangunahing advocacies ng lokal na pamahalaan ng QC ay ang kanilang  multi-sectoral at community-based food security program  na tinawag na GrowQC: Kasama ka sa Pag-unlad sa Pagkain, Kabuhayan at Kalusugan Food Security Program na nailunsad sa kasagsagan ng pandemic noong April 2020 na finalist  sa Galing Pook Awards 2021.

Nitong May 2021, ang programa ay nakapagbigay na ng 52,374 starter kits at seedlings sa  37 komunidad ,  lugar na maaaring mataniman para sa  41 Brigada Eskwela urban gardens sa ilalim ng  Gulayan sa Paaralan Program at 49 gardens ng  civil society orga­nizations, private organizations, at non-government organizations. Naglaan ito ng 1,166 unemployed/underemployed/displaced workers  ng  livelihood at employment .

“We are truly proud of these programs because of how they greatly influence and change the lives of our QCitizens. We are happy because amid the pandemic, we were able to continue providing social services that went beyond the COVID-19 response,”  paha­yag ni QC Mayor Joy Belmonte.

Kinilala naman ni Mayor Belmonte ang mahalagang papel ng lahat ng stakeholders hinggil sa naging tagumpay ng pagpapatupad ng naturang mga programa.

Isa pa sa napiling programa ng lungsod ay ang ­Quezon City Human Milk Bank (QCHMB) na tumutulong  sa mga bagong panganak na sanggol na magkaroon ng gatas ng ina na malaking tulong sa kanilang kalusugan. Noong 2020, ang  QCHMB ay nakatulong na sa may 5,023 sanggol  hindi lamang sa QC kundi maging sa ibang lugar.

Nabiyayaan ang mga nangangailangang sanggol ng gatas ng ina na may  979,624ml of pasteurized human milk .

Sa 8,820 ina na napiling magbigay ng human milk ay mayroong 8,658 ina ang nakapasa na maging  breastmilk donors.

Kinilala rin ang patuloy na pagkakaloob ng ayuda ng QC government sa mga batang may kapansa­nan sa pamamagitan ng kanilang  community-based rehabilitation program na tinawag na Kabahagi Center for Children with Disabilities.

Nitong June 2021, mayroong 1,339 kabataan na may kapansanan ang na-profile ng disability focal persons at dito ay may 1,163  ang tumanggap ng serbisyo sa  Kabahagi Center; may 1,240 therapy services ang nakinabang na mga kabataan at ang pamilya ng mga batang may kapansanan ay mayroong dagdag benepisyo tulad ng livelihood training at educational workshops.  Ang programa ay nagpatupad din ng ibat ibang innovations tulad ng telemedicine, tele­coaching, at e-skwela para sa mga kabataang may kapansanan at kanilang pamilya ngayong pandemic.

Sampu ang mananalo sa patimpalak sa kabuuang  22 finalists mula sa roster ng  280 entries na takdang parangalan sa October 20, 2021.

 

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with