^

Metro

Matataas na kalibre ng baril, mga bala nasamsam sa buy-bust

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Matataas na kalibre ng baril, mga bala nasamsam sa buy-bust
Ang matataas na kalibre ng baril at kahon-kahong ibat-ibang uri ng bala na nasamsam sa isinagawang operasyon ng Southern Police District kung saan dalawang lalaki ang dinakip.
Photo from SPD

MANILA, Philippines — Nasamsam ng mga tauhan ng Southern Police District Inteligence Division at District Special Operations Unit ang matataas na uri ng  baril na hinihinalang ginamit ng mga grupong umatake sa Marawi, mula sa dalawang lalaki sa isinagawang magkahiwalay na operasyon sa Taguig  at Mandaluyong City.

Sa isang press briefing na pinangunahan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Police Major General Vicente Danao Jr.,kahapon nakilala ang mga nadakip na sina Nichol John Ofalsa Jerusalem, 30, ng Brgy. Katuparan,

Taguig City na dinakip alas -8:20 ng gabi  at isang Bruce

Mendoza De Leon, 32, na nakatakas sa buy-bust operation sa Taguig subalit naaresto sa isinagawang follow-up ­operation sa Brgy. Concepcion, Mandaluyong City.

Nakumpiska kay Jerusalem ang isang Blackwater 5.56 assault rifle, isang Bushmaster 5.56 assault rifle n, isang Dublin 12 gauge shotgun, isang grenade launcher, isang Norinco AK47 assault rifle, walong mahahabang magazine ng 5.56 assault rifle, tatlong short magazine  ng 5.56 assault rifle, tatlong AK47 magazine,isang rifle grenade at isang MK2 fragmentation grenade at kahon-kahong ng iba’t-bang uri ng bala.

Hindi na nakapalag pa ang mga suspect nang dakpin ng mga awtoridad.

Dagdag pa niya, ang mga narekober ay katulad din ng mga narekober nilang armas sa Marawi.

Nasamsam naman din kay  De Leon ang iba’t-ibang mattats na kalibre ng baril at mga bala.

Nahaharap ang mga nadakip sa kasong paglabag sa Republic Act  10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act of 2012), RA 9516 (Unlawful Possession of Firearms,  Ammunition and Explosive) at  Batas Pambansa 6  (Concealing Bladed Weapon).

vuukle comment

BUY-BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with