^

Metro

Cabochan, nanumpa sa Aksyon Demokratiko ni Isko

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinili ng isang community development advocate na sumapi sa Aksyon Demokratiko sa planong pagtakbo sa May 2022 local election dahil sa paniniwalang nababagay ang kaniyang adhikain na makatulong sa mga mahihirap katulad ni party president na si Manila Mayor Isko Moreno na siyang nagpanumpa dito kahapon , bilang miyembro.

Si Jacob Cabochan, chief operating officer ng Pandayan Bookshop at kilalang community development advocate sa Pangalawang Distrito ng  Caloocan  City, ay pormal na kasapi ng nasabing partido.

Siya ay apo ni Gerry Ca­bochan, ang dating kinatawan ng nasabing distrito noong panahon ni President Corazon Aquino.

Naniniwala si Cabochan, ang mga programa ng Aks­yon Demokratiko ay magpapasigla sa kanilang naitatag ng samahan, ang Pandayan ng Damdamin  ng Bayan.

Sa kasalukuyan ang Pandayan ay may mahigit 10,000 kasapi nanagbayanihan para ma­tulungan mga mahihirap, kung saan nakapag-donate  sila ng 74,000 face shileds at 16,000 ballpoint pen sa frontliners sa iba’t-ibang lugar sa bansa.

Sa tulong ng Aksyon  Demokratiko, nakikita ni Cabochan ang  pag-usbong ng mas makataong lipunan, isang lipunan na hitik sa pagmamalasakit at bayanihan.

Wala dapat maiwanan  sa pag-unlad ng lipunan, lalo ng ‘yung mga  nasa  laylayan,” ani Cabochan.

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with