^

Metro

171 lugar sa NCR naka-granular lockdown

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
171 lugar sa NCR naka-granular lockdown
“Sa tala ng PNP (Phi­lippine National Police), 171 small areas sa Metro Manila ang nasa granular lockdown,” pahayag ni DILG Secretary ­Eduardo Año kahapon.
The STAR / Miguel de Guzman, file

MANILA, Philippines — Nasa ilalim ngayon ng granular lockdown ang 171 maliliit na lugar sa National Capital Region (NCR).

“Sa tala ng PNP (Phi­lippine National Police), 171 small areas sa Metro Manila ang nasa granular lockdown,” pahayag ni DILG Secretary ­Eduardo Año kahapon.

Ito’y kasunod na rin nang pagpapairal na ng pamahalaan ng pilot implementation ng Alert Level 
System sa NCR, na isinailalim sa Alert Level 4, simula nitong Huwebes, Setyembre 16.

Sa ilalim ng naturang bagong sistema, sa halip na kada rehiyon o pro­binsiya ang ila-lockdown ng pamahalaan upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19, ay ma­liliit na lugar na lamang, gaya ng bahay, gusali, sitio, kalsada, eskinita, compound o barangay na nakakapagtala ng mga kaso ng COVID-19, ang ila-lockdown upang maiwasan ang labis na pagkalugi ng ekonomiya ng bansa at makapagtrabaho pa rin ang mga mamamayan.

Kung mapapatuna­yang epektibo ito sa pagpigil nang pagkalat ng COVID-19 ay ipatutupad na rin ito sa iba pang bahagi ng bansa.

Kabilang sa mga ila-lockdown ay yaong mga lugar na itinuturing na “critical zones” ng local government unit (LGU).

Ang LGUs anila ang mag-i-initiate ng granular lockdown, na tatagal ng dalawang linggo, habang ang PNP ang titiyak ng seguridad at pagtalima ng mga mamamayan sa minimum public health standards.

vuukle comment

NCR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with