^

Metro

Reproduction rate ng COVID-19 sa Metro Manila, bumaba pa

Angie dela Cruz, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naniniwala ang OCTA Research group na ang pinakamataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19 o ‘peak’ nito ay posibleng naabot na nitong nakaraang linggo ng National Capital Region (NCR) kaya’t dapat na ma­panatili naman ang patuloy na pagbaba nito.

Gayunman, agad naman itong kinontra ng Department of Health na nagsabing hindi pa umano nila ito nakikita at may posibilidad pa na tumaas pa ang kaso.

Ayon kay Health Secretary Maria Rosario Vergeire na nagsabing sa kasalukuyang pag-aanalisa, hindi pa maging kumpiyansa dahil maaari pang tumaas ang kaso. Hinihikayat nila ang publiko na ipagpatuloy ang pagsunod sa minimum public standards at ang mga hindi pa bakunado ay magpabakuna na.

Nauna nang sinabi ni  OCTA Research fellow Dr. Guido David nitong Sabado, bumaba na aniya ang reproduction rate o hawaan sa Metro Manila na nasa 1.22 na lamang su­balit kailangang panatalihin naman ang pagsisikap na maipatupad ang mga pag-iingat upang hindi na umakyat pa ang bilang ng mga kaso.

“Early indications are that the surge may have already peaked in the NCR, but efforts must be sustained to ensure the trend continues downward,” ani Guido sa Twitter.

Gayunman, hindi pa naman ito makukumpirma dahil may mga backlog pa na dapat alamin.

Sa pag-aanalisa sa trend, ang mga kaso ng COVID-19 sa NCR ngayong taon, sinabi ng OCTA group na bukod sa pagbaba ng COVID-19 reproduction number, bumaba na rin ang positivity rate ng rehiyon sa 24% o mga nagpopositibo.

Samantala, sa kabuuang reproduction number sa bansa ay nananatili sa 1.20, na may 4% one-week growth rate, ayon sa OCTA Research noong Biyernes.

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with