^

Metro

PNP camps ok gawing vaccination sites ng 12-17 anyos

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inialok kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Guillermo ­Eleazar ang mga kampo ng PNP para gawing vaccination sites sa mga kabataang 12-17 anyos partikular na ang mga dependent ng mga pulis.

Ang planong pagbabakuna sa 12-17 anyos na populasyon ay sa gitna na rin ng panawagan na magsagawa na ng face-to-face classes ang mga estudyante.

Nabatid na patuloy ang pagdating ng mga bakuna laban sa COVID kaya pinaplano na rin ng gobyerno na bakunahan ang 12-17 anyos kung saan ilang Local Government Units (LGUs) ang sinimulan na ring ang pagpapatala sa mga menor-de-edad.

“Ngayong halos patapos na ang vaccination sa aming hanay, inatasan ko na ang aming Administrative Support for COVID-19 Task Force (ASCOTF) sa pamumuno ni PLTGEN Joselito Vera Cruz na maghanda sa pamamagitan ng pag-umpisa ng paglilista ng mga 12-17 years old dependents ng aming uniformed at civilian personnel,” ayon kay Eleazar.

Ipinaliwanag ni Eleazar na ang paggamit ng PNP camps at iba pang mga pasilidad para sa menor-de-edad ay bahagi ng tulong ng kapulisan sa LGUs upang hindi magsiksikan sa mga lugar ng bakunahan.

“Makikipag-ugnayan ang inyong PNP sa NTF Against COVID-19 at sa Department of Health na gawing vaccination sites ang aming mga kampo para sa 12-17 years old dependents ng aming mga personnel upang maiwasan ang pagdagsa ng mga menor-de- edad sa vaccination sites ng ating mga LGUs kapag nag-umpisa na ang pagbakuna sa kanila,”ayon kay Eleazar.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with