Libreng desludging services ng Maynilad sa 56 COVID-19 facilities
MANILA, Philippines — Mula nang ipatupad ang community quarantine noong Marso ng nagdaang taon, nagkapagloob na ang Maynilad ng libreng desludging services sa 56 quarantine centers, hospitals, government checkpoints at iba pang pasilidad na may COVID patients.
Ang kompanya ay regular na naglilinis ng septic tanks at portable toilets ng naturang mga pasilidad nang libre upang matulungang mapanatili ang kalinisan at maayos na sanitary condition doon sa pamamagitan ng tamang wastewater management para sa mga medical personnel at pasyente na gumagamit ng COVID-19 centers.
Ilan sa mga pasilidad na pinagkakalooban ng libreng serbisyo ay ang Sta. Ana Hospital, Tondo Hospital, Quezon Institute, at Cavite City Hospital gayundin ang ibat-ibang government checkpoints at major quarantine facilities sa Parañaque, Manila, Pasay, Quezon City, at Cavite province.
Ang Maynilad ay katuwang ng pamahalaan sa pagkakaloob ng tulong para labanan ang pandemic.
Bukod sa libreng desludging service sa mga COVID-19 facilities, nagkakaloob din ang Maynilad ng pagkain, hygiene materials, at drink-wash stations kasama na ang libreng suplay ng tubig sa ibat-ibang quarantine centers ng pamahalaan.
Noong 2020, ang Maynilad ay nagkaloob din ng tents at mga supplies sa mga quarantine facility sa University of the Philippines-Diliman at nagtayo ng P15-million COVID-19 testing at laboratory center sa loob ng Delos Santos Medical Center (DLSMC) sa QC para makatulong na mapabilis ang COVID-19 testing capacity ng pamahalaan.
- Latest