^

Metro

Bebot itinumba sa Pasay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang babae makaraang  tatlong ulit na paputukan ng baril ng isang lalaki sa Pasay City, kahapon ng hapon.

Wala pang pagkakakilanlan sa biktimang inilarawan sa edad na 25-30, 5”2 ang taas, may tattoo sa kanang hita, nakasuot ng stripes na sando at orange na shorts.

Mabilis namang nakatakas ang salarin na isang lalaking armado ng ‘di pa tukoy na kalibre ng baril.

Sa inisyal na ulat ng Pasay City Police, Sub-Station 3, dakong alas- 12:30 ng hapon nng Setyembre 18 (Sabado) nang maganap ang pamamaril sa O.C Laurel Street sa panulukan ng Decena St., Barangay 96, Pasay City.

Nakatayo umano ang biktima nang bigla na lamang barilin ng nag-iisang salarin na mabilis din namang tumakas.

Ayon din sa inisyal na imbestigasyon, hindi kakilala at hindi residente ng lugar ang biktima at posibleng may kaugnayan sa ilegal na droga ang krimen.

Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with