^

Metro

Maynila magbibigay ng gamot sa COVID-19 patients

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Handa ang pamahalaang lungsod ng Maynila na mamigay ng gamot para sa mga COVID -19 patients kahit hindi sa mga taga-lungsod.

Ito ang inanunsiyo nina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna na nagsabing parating na ang biniling dagdag na 3,000 Remdesivir vials na pinaniniwalaang makakasalba sa mga nasa severe at critical na  COVID-19 patients.

Bukod pa ito na ipina-follow-up na mga order ng lokal na pamahalaan na Tocilizu­mab na inaasahang darating na rin sa loob ng buwang ito.

Sa mga nangangailangan, makipag-ugnayan lamang sa Manila Health Department, ani Moreno.

“Pag kailangan ninyo, ‘wag mag-atubiling humingi at bibigyan namin kayo ng libreng gamot. Dito man lang sa maliit na kaparaanan ay makatulong ang Maynila para ‘di na kayo nasusugatan pa sa gastos,” anang alkalde.

Aniya, mahal at hindi basta nabibili ang Remdesivir at Tocilizumab na kilalang mabilis na magpagaling sa mga nasa kritikal at malalang karamdaman dulot ng COVID-19.

Nabatid na nasa libong Remdesivir at Tocilizumab ang naibigay ng libre ng pamahalaang lokal ng Maynila sa mga pasyenteng mula sa Visayas at Mindanao Regions at maging sa kalapit na lalawigan ng Metro Manila.

Naninindigan sina Moreno at Lacuna sa ‘inclusivity’ policy na kahit non-residents ng lungsod ay libre sa  health services tulad ng swab testing, COVID admissions at  vaccinations, dahil ang COVID-19 naman ay walang boundary sa pag-atake.

“Wag tayo magdadamot. Kita ninyo, sa mga itinutulong natin, tinutulungan din tayo. Love begets love. Kung ano ang ating itinanim ay siya din naman nating inaani,” ani Moreno.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with