^

Metro

2 pumuga na preso, balik-kalaboso

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
2 pumuga na preso, balik-kalaboso
Kinilala ang mga nadakip na sina Randy Malang, 34, at Gerald Daroy, 27.
STAR/File

MANILA, Philippines — Balik-kalaboso ang dalawang bilanggo na tumakas sa bilanggu-an ng Southern Police District makaraang muli silang madakip sa kanilang lugar sa Tondo, Maynila ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) nitong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang mga nadakip na sina Randy Malang, 34, at Gerald Daroy, 27.

Nabatid na unang nadakip ang dalawang suspek ng mga tauhan ng District Special Ope­rations Unit ng SPD noong Agosto dahil sa kasong pagnanakaw. Nahaharap sila sa kasong Robbery Extortion, Illegal Possession of Firearm at Illegal Possession of Explosives.

Ngunit nitong Miyerkules, nagawang makatakas ng dala-wang suspek sa kulungan nang sirain nila ang kandado ng kanilang selda.  

Sa koordinasyon ng mga Intelligence Ope­ratives, natukoy na muling bumalik sa kanilang lugar sa Tondo ang dalawang takas dahilan para magka-sa ng operasyon ang   mga tauhan ng Delpan Police Station 12.

Nadakip ang dalawang suspek dakong alas-5:30 ng hapon habang nakaistambay sa kanto ng Road 10 at Herbosa Street sa Tondo. Hindi na sila nakapalag nang mapalibutan ng mga pulis at posasan.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with