^

Metro

100% namatay sa COVID-19 sa Malabon, hindi bakunado

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Paiigtingin pa ng  Ma­labon LGU ang kani- lang kampanya laban sa COVID-19  at hihikaya-tin ang mga residente na magpabakuna.

Ito’y matapos lumabas sa pinakabagong datos ng Malabon City Health Department at City Epidemiology and Surveillance Unit na lahat ng nasawi sa COVID-19 sa Malabon ay pawang mga hindi bakunado. Nasa 595 na ang bilang ng nasawi sa lungsod dahil sa COVID.

Lumalabas din sa datos ng lungsod na hindi rin bakunado ang lahat ng nakaranas naman ng moderate to critical cases ng COVID-19.

Samantala sa mga nabakunahan, pito sa bawat 10 tinamaan ng COVID-19 ay walang naramdamang sintomas ng virus.

Lumilitaw sa datos na epektibo ang bakuna upang hindi makaranas ng malubhang kaso o masawi sa virus.

Bukod dito,  hinihimok ng Malabon LGU ang  mga residente na magparehistro o mag-walk in  sa mga vaccination site upang mabakunahan at maging protektado laban sa virus.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with