^

Metro

Hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila, bumaba – OCTA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila, bumaba � OCTA
Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research Group, nasa 1.34 ngayong linggong ito ang reproduction number o hawahan ng COVID-19 na mas mababa sa 1.39 reproduction number noong nagdaang linggo.
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Bahagyang nagkaroon nang pagbaba sa hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila ngayong linggong ito.

Ito ay bagama’t nakakapagtala ng mahigit sa 5,000 kaso ng COVID-19 kada araw ang Metro Manila.

Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research Group, nasa 1.34 ngayong linggong ito ang reproduction number o hawahan ng COVID-19 na mas mababa sa 1.39 reproduction number noong nagdaang linggo.

Anya, ang NCR ay may  average na 5,854 kada araw na kaso ng Covid-19 sa nagdaang linggo na may growth rate na 11%.

“I am expecting lower numbers today. For PH, the range is 14k to 18k and my guts says 15k, with 4k in the NCR,” pahayag ni Guido sa kanyang Twitter account.

Upang maiwasan ang matinding hawaan ay sisimulan ngayong Huwebes ang dalawang linggong Alert Level System sa NCR. Ang Metro Manila ay nasa ilalim ng Alert Level 4, na ibig sabihin ay may ilang restrictions sa mga establisimiento partikular sa mga  closed spaces at crowded spaces para maiwasan ang hawahan ng virus.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with