^

Metro

Miyembro ng Abu Sayyaf, timbog ng NBI

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Miyembro ng Abu Sayyaf, timbog ng NBI
Sa ulat na inilabas kahapon, kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ang nadakip na si Albazir Abdulla, alyas Abu Saif.
Sa ulat na inilabas kahapon, kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ang nadakip na si Albazir Abdulla, alyas Abu Saif.

MANILA, Philippines — Nasakote ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang itinuturong miyembro ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) sa isang operasyon sa Culiat, Quezon City  nitong Setyembre 10.

Sa ulat na inilabas kahapon, kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ang nadakip na si Albazir Abdulla, alyas Abu Saif.

Sa ulat ng NBI-Counter Terrorism Division, nakatanggap sila ng intelligence report na namataan si Abdulla sa Metro Manila.

Nagsagawa ng operasyon ang ahensya sa tulong ng Armed Forces of the Philippines (AFP) hanggang sa matukoy siya sa  sa Brgy. Culiat, Quezon City.

Dito nagkasa ng magkasa­nib na operasyon ang NBI at AFP na nagresulta sa pagkakadakip ni Abdulla sa naturang lugar.

Si Abdulla ay sangkot sa 2001 Golden Harvest Plantation kidnapping.

Matatandaan na noong 2001, sinalakay ng ASG ang naturang plantasyon sa Brgy. Tairan, Lantawan, Basilan sa pangunguna ng nasa­wing pinuno nila na si Isnilon Hapilon. Dinukot nila ang 14 na manggagawa kung saan dalawa sa kanila ang pinugutan.  Nagawang makatakas ng mga biktima sa gitna ng operasyon ng militar laban sa teroristang grupo.

vuukle comment

ASG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with