^

Metro

87-lola patay sa sunog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
87-lola patay sa sunog
Nakilala ang nasawi na si Lolita Matadling, nakatira sa Valenzuela Compound, Kaingin Road, Brgy. Sto. Niño, ng naturang lungsod.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang 87-anyos na lola makaraang maipit sa loob ng naglalagablab niyang bahay sa sunog na naganap   sa isang residential area sa Parañaque City, kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang nasawi na si Lolita Matadling, nakatira sa Valenzuela Compound, Kaingin Road, Brgy. Sto. Niño, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), dakong ala-1:12 ng madaling araw nang unang pumutok ang sunog na nagmula sa bahay ni Eduardo Matadling, anak ng nasawing lola.

Agad na naiakyat ito sa unang alarma at ikalawang alarma dakong ala-1:25 ng madaling araw. Dakong alas-2:20 na nang makontrol ang pagkalat ng apoy at tuluyang nagdeklara ng fire out ang mga bumbero dakong alas-2:52 ng madaling araw.

Bukod kay Matadling, sugatan din sa insidente si Patrick Ortega, isang fire volunteer habang isinugod din sa pagamutan ang 72-anyos na si Narsisa Monteverde dahil sa sobrang hilo at pagsakit ng ulo dulot ng makapal na usok.

Nabatid na nakaratay na lamang sa higaan  ang lolang biktma  dahil sa sakit at hindi na nagawang mailabas ng bahay ng mga kaanak dahil sa bilis ng pagkalat ng apoy.  Bumagsak pa ang sahig ng ikalawang palapag ng bahay nang tuluyang lamunin ito ng apoy.

Nadamay rin ang tinata­yang 30 bahay sa sunog na pawang gawa sa light materials at nagresulta ng pagkawala ng tahanan ng nasa 60 pamilya.

vuukle comment

BFP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with