^

Pang Movies

Kristel, handang-handa na sa career sa SK

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Kristel, handang-handa na sa career sa SK
Kristel Fulgar

Nakatakdang bumalik ng Pilipinas ang Filipina singer, actress at vlogger na si Kristel Fulgar either sa katapusan ng buwang ito o ‘di kaya sa unang linggo ng Marso.

Kasalukuyang nasa South Korea si Kristel (her longest stay outside the Philippines) kung saan siya namalagi for over six months now.

Kasalukuyan siyang nag-aaral ng Korean language sa Sogang University  in preparation for her career sa nasabing bansa.

Si Kristel ay lumagda ng kontrata with Five Stones Entertainment in South Korea na siyang magha-handle ng kanyang career doon. Last December ay nakapag-guest na rin siya sa isang TV show in South Korea.

Dahil sa kanyang matagal nang pamimir­mihan sa South Korea ay na-absorb na rin niya ang kultura, fashion at mga pagkain ng Koreans. Marunong na rin siyang gumamit ng iba’t ibang transport system doon at namumuhay siyang mag-isa na first time niyang ginawa at pagiging independent.

Si Kristel ay nagsimula bilang isang child actress sa dating kiddie show ng ABS-CBN, ang Goin’ Bulilit kung saan din nanggaling sina Julia Montes, Kathryn Bernardo, Alexa Ilacad, Belle Mariano at iba pa.

Jomari, nanibago sa pagharap sa camera

Kung hindi kami nagkakamali ay nung 2012 pa ang last movie na ginawa ng actor-turned politician na si Jomari Yllana (46) sa pamamagitan ng The Healing na dinirek ni Chito Roño at pinagbidahan nina Vilma Santos at Kim Chiu under Star Cinema. Eleven years later ay nagbabalik ang actor-politician sa paggawa ng pelikula under Reality Entertainment ng mag-business partners na sina Dondon Monteverde at Direk Erik Matti.

Hindi ikinakaila ng nakabalikang nobyo ni Abby Viduya (dating Priscilla Almeda) na naninibago siya sa kanyang pagbabalik-showbiz laluna sa larangan ng pag-arte dahil matagal siyang nagpahinga to give way sa kanyang pagiging isang public servant.

Ayaw pa niyang ibahagi ang kanyang ginagawang pelikula na pinamamahalaan ni Direk Erik.

Natutuwa naman para sa kanya si Abby dahil binalikan nito ang kanyang first love, ang pag-arte.

Jomari was only 16 years old nang pasukin niya ang showbiz along with teenage boys (noon) na sina Mark Anthony Fernandez and Eric Fructuoso sa pamamagitan ng Guwapings.

vuukle comment

KRISTEL FULGAR

SOUTH KOREA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with