^

PSN Opinyon

Paigtingin pang lalo

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Hindi na maawat ang tuluyang pag-igi ng ating kalagayan laban sa COVID, lalo na sa Metro Manila. Nitong nakaraang linggo, pinagtibay ng istatistika na nabalikan na natin ang ating baitang noong huling linggo ng Hulyo. Ito iyong panahon na kakukumpirma pa lang ng DOH ang local transmission ng Delta variant. Nalagay tayo sa GCQ noong Hulyo 30 hanggang tuluyang nag-ECQ noong Agosto 6. Dito natin unang nakilala ang sistema ng alert levels.

Malaking bagay ang nagawa ng granular lockdowns at ang paglipat natin sa alert levels imbes na panay ECQ, MECQ o GCQ ang pinag-uusapan. Higit sa lahat, naka­tulong ang pagdami ng bilang ng bakunado. At siyempre, ang masusing pagsunod sa health protocol tulad ng mask, shield, social distance at hand washing ay lalong naka­ambag sa ating pagbulusok.

Iginiit ng ating mga opisyal na aabot sa 85% ng eligible population ng NCR ang bakunado na bago matapos ang buwan. Sa eligible population, hindi pa napapabilang ang mga menor-de-edad bagama’t inumpisahan na rin ang pagbakuna sa kanila. Ang pag-umpisa ng vaccination drive para sa kabataan ay higit pang makakadagdag sa pagganda ng ating istatistika.

Sa kabila ng mahalagang balitang ito, sayang at napag-alaman natin na hindi napangatawanan ng gobyerno ang makapagbakuna ng mas mabilis pa sana. Ang average natin nitong nakaraang linggo ay mahigit 375,000 kada araw. Mas mababa ito sa naitalang halos 470,000 daily vac­cination noong nauna lang na linggo.

Kung maibalik ito sa mataas na antas – ayon sa DOH ay pagsisikapin nilang umabot ng hanggang 800,000 kada araw ang vaccination target – pihadong magiging mas maluwag, masaya at makabuluhan ang ating pasko.

Nasa 91.3 million doses na ang dumating sa atin. Next week ay may 3 million pang Astrazeneca at Sinovac na parating. May mga 50 million pang Pfizer at Moderna na nakaiskedyul para sa 12-17 age group. Wala na tayong problema sa supply. Kailangan lang talaga ay paigtingin ang programa ng pagbakuna nang mas mabilis nating maabot ang minimithing herd immunity.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with