^

Dr. Love

Maingay ang biyenan

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Jaztin. Hindi ko tunay na pangalan. Mahal ko ang misis ko pero bugbog-sarado ako sa sermon ng biyenan ko.

Lagi pang nagdarabog. Kaya siguro iniwanan ng kanyang asawa. Wala naman akong galit sa kanya.

Kaso simula nang tumira kami sa bahay niya, parang lagi akong nabibingi sa lakas ng boses niya at sa mga drama niya sa buhay.

Lahat na yata ng kapitbahay namin alam na ang istorya ng buhay namin, dahil sa sobrang lakas ng boses niya.

Ayaw naman ng misis ko na lumipat kami ng bahay dahil sa wala nang makakasama ang biyenan ko.

Gusto ko lang ng tahimik at mapayapang buhay.

Jaztin

Dear Jaztin,

Humanap ka ng paraan para maging maamo sa’yo ang biyenan mo. Sabihan mo rin ang misis mo na tulungan niya ang nanay niya na maging mahinahon.

Baka kailangan lang na konting bonding at abot-abutan mo rin siya.

DR. LOVE

vuukle comment

LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with